
Umani ng mahigit two million views sa Facebook ang eksena ng pagtakas ni Grace (Marian Rivera) mula sa pagdakip sa kanya nina Ceph (Gabby Eigenmann) at Vega (Luke Conde) sa My Guardian Alien.
Sa May 17 episode ng naturang family series, matatandaan na ginamit ni Grace ang kanyang dahas upang makatakas mula kina Ceph at Vega. Naging matagumpay ang pagtakas ni Grace at nakabalik sa tahanan ni Carlos (Gabby Eigenmann).
Sa pag-uusap nina Carlos at Grace, humingi ng tawad ang una sa huli dahil sa mga hindi magagandang nasabi at nagawa nito sa kanya.
Matapos ito, umamin na si Carlos sa kanyang totoong nararamdaman para kay Grace. Sinabi rin ni Grace na mahal na rin niya si Carlos.
Sa mga susunod na tagpo ng serye, walang pahinga ang mga kontrabida sa buhay nina Grace at Carlos. Paano kaya nila haharapin ang mga problemang darating?
Subaybayan ang My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.