
Umabot sa mahigit 23 million views online ang "Paluwagan" episode ng Wish Ko Lang na ipinalabas noong Sabado, January 14.
Pinagbidahan ang episode na ito ng versatile actress na si Katrina Halili kung saan binigyang-buhay niya ang kuwento ng isang misis na si Sara.
Tampok sa "Wish Ko Lang: Paluwagan" ang hirap na pinagdaanan ni Sara nang lokohin at iwan ng babaero niyang asawa.
Nakapagtala rin ang nasabing episode ng 6.8 percent people rating base sa Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Abangan ang susunod na kuwentong itatampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: