
Nagsama-sama sa birthday ni happy nanay Carmina Villarroel ang buong Legaspi famkada para sa kanyang birthday celebration sa Sarap, 'Di Ba?
Sa episode na ito, sina Carmina, Zoren, Mavy, at Cassy ang nagtapatan sa Sarap, 'Di Ba? Kitchen Bida. Break muna sa Battle of the Judges si GMA top executive Atty. Annette Gozon-Valdes dahil luto muna ng Legaspi family ang kanyang huhusgahan.
Hindi lang masayang Kitchen Bida battle ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil naupo sa hotseat si Carmina! Alamin ang mga tanong nina Zoren, Mavy, Cassy, at Atty. Annette sa ating birthday girl!
Abangan ang susunod na exciting episode ng Sarap, 'Di Ba? at pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.