GMA Logo Carmina Villarroel lovelife and career
What's on TV

Carmina Villarroel, ni-regret na pinili ang lovelife over her career?

By Maine Aquino
Published August 14, 2023 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Timberwolves vs Nuggets, Hawks vs Knicks, Raptors vs Cavs, NBA Playoffs
Man in Tagum nabbed for allegedly abusing own niece
Fitz Shioda On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel lovelife and career


Alamin ang sagot ni Carmina Villarroel tungkol sa kaniyang lovelife at career.

May regrets ba si Carmina Villarroel pagdating sa kanyang showbiz career?

Sinagot ito ni Carmina nang siya ay naupo sa hot seat sa kaniyang birthday episode sa Sarap, 'Di Ba? noong Sabado, August 12.

Sarap Di Ba

Tanong ni Cassy Legaspi sa kaniyang ina, "Matagal ka na showbiz, do you have any regrets sa showbiz life mo?"

"Meron," diretsong sagot ni Carmina.

Ipinaliwanag ng Sarap, 'Di Ba? host na ito ay may kinalaman sa kaniyang buhay pag-ibig.

RELATED GALLERY: Ang mga dapat abangan sa birthday ni Carmina Villarroel sa 'Sarap, 'Di Ba?'

"'Yung regret ko because that time, I thought I was in love so in short, mas pinili ko 'yung love kaysa sa career."

Dugtong pa ni Carmina, "Feeling ko lang naman 'yun, because ang dami kong natanggihan na projects. Marami akong hindi nagawa because I chose my lovelife."

Nilinaw naman ni Carmina na nagbago ang kaniyang buhay nang dumating ang mga anak nila na sina Mavy at Cassy Legaspi. Ipinanganak ni Carmina ang kanilang kambal ni Zoren Legaspi noong January 6, 2001.

"But, sabi ko nga kay tatay (Zoren), after giving birth, simula noong dumating kayong dalawa into our lives, mas gumanda 'yung career ko so ngayon."

Sa huli, inilahad ni Carmina na masasabi niya na wala na siyang nire-regret sa kaniyang mga naging desisyon.

"Wala na lang akong regret. Happy ako kung nasaan ako ngayon."

SAMANTALA, NARITO ANG MUST-SEE PHOTOS NG LEGASPI FAMILY: