GMA Logo Bianca Umali
What's Hot

Pamilya ng bus conductor na si Marife, nakatanggap ng PhP100K savings mula sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 8, 2022 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa pamilya ni Marife na nakaranas ng pang-aabuso mula sa sugalero nilang ama.

Nasaksihan noong Sabado sa "Sugal," first anniversary episode ng Wish Ko Lang ang pagtitiis at pagsusumikap na ginawa ni Marife (Bianca Umali), isang bus conductor, para makatulong sa pamilya at maipagamot ang inang maysakit.

Matapos na malulong ang amang si Edgar (Ian De leon) sa sugal, si Marife na ang tumayong padre de pamilya para sa kanyang ina at mga kapatid. Pero sa kabila ng pagsasakripisyo at pag-intindi sa ama ay nagawa pa silang saktan at pagnakawan nito.

Kaya naman para matulungan ang pamilya ni Marife, naghanda ng espesyal na regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Ngayong ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, ibinigay ng programa sa pamilya ni Marife ang pinakamalaking Wish Ko Lang savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000.

Kasama naman sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP95,000 ang food cart merienda business, sari-sari store business, bigasan business, piso wi-fi business, beauty products business, at home appliances.

Mayroon ding educational assistance para kay Marife at TESDA scholarship para sa pag-aaral ng mga kapatid nito.

Abangan kung sinu-sino pa ang mabibigyan ng magandang bagong simula sa month-long anniversary celebration ng Wish Ko Lang.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG