GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Pamilyang nakaranas ng pang-aabuso mula sa lalaking batugan, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published July 25, 2022 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Isang bagong simula ang handog ng 'Wish Ko Lang' para sa pamilya ni Marife na nakaranas ng pang-aabuso mula sa dati niyang kinakasama.

Nasaksihan noong Sabado sa "Batugan" episode ng Wish Ko Lang ang hirap na naranasan ng ina at anak ni Marife (Lara Quigaman) sa kamay ng manginginom at nag-aadik niyang kinakasama.

Sa kabila ng pag-intindi ni Marife sa kinakasamang si Allan (Ryan Eigenmann), matapos na mawalan ng trabaho ay nagawa pa ng huli na bugbugin ang kanyang ina at anak.

Sa ngayon, nakakulong na ang kinakasama ni Marife. Kaya naman para matulungan ang pamilya sa bago nilang simula, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, perfume business, dishwashing liquid and detergent soap business, pasalubong business, at sari-sari store business.

Mayroon ding regalong wheelchair at nebulizer kit ang programa para sa ina ni Marife na si Lola Carmelita.

Hindi rin mawawala ang bills assistance at tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para matulungan ang pamilya ni Marife sa kanilang mga gastusin.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: