
Nasaksihan noong Sabado sa "Bintang" third anniversary episode ng Wish Ko Lang ang hirap na dinanas ni Lorna (Tessie Tomas) at ng tatlo niyang anak-anakan na sina Jaya (Bench Hipolito), Pogi (Paolo Pangilinan), at Mima (Sassa Gurl) matapos mapagbintangang magnanakaw ng mag-inang Ester (Aleck Bovick) at Jona (Yvette Sanchez).
Sa huli, napatunayan ng pamilya ni Lorna na nagsisinungaling si Jona at hindi ninakaw ni Pogi ang cellphone na pag-aari nito. Nakabalik na rin ang pamilya ni Lorna sa palengke para sa kanilang hanapbuhay.
Dahil sa nangyari, mabigat na trauma ang inabot ng pamilya ni Lorna. Kaya naman para matulungang makapagsimulang muli, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Ngayong ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, ibinigay ng programa sa pamilya ni Lorna ang pinakamalaking Wish Ko Lang savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000.
Mayroon ding negosyo packages na nagkakahalaga ng P100,000. Kasama rito ang bigasan business, frozen meat business, merienda food cart business, at sari-sari store business.
Bukod dito, binigyan din ng programa ang pamilya ni Lorna ng brand new home appliances, brand new electric bike, at brand new smartphone.
Abangan kung sinu-sino pa ang mabibigyan ng magandang bagong simula sa month-long anniversary celebration ng Wish Ko Lang.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: