What's Hot

Parating na ang biggest fight ni Totoy Bato

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 14, 2020 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Discussion: Filipino students are ready to lead—but why are they leaving?
Dead dog used to get donations? Advocates sound the alarm
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News



Sa huling linggo ng ma-aksyon na programa, haharapin ng ating bida ang kanyang pinakamatinding kalaban!
Sa finale week ng "Totoy Bato," hindi sa larangan ng boxing makakaharap ni Totoy ang kanyang pinakamatinding kalaban—kundi sa larangan ng pamilya at pag-ibig. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Mahaba ang naging journey ni Totoy Bato, mula sa pagiging simpleng magsasaka sa Baryo Gapas hanggang sa siya ay maging sikat at celebrated na boxing champion. Pero sa iba't-ibang laban na kanyang hinarap throughout the series, isang laban ang hindi niya tuluyang maipanalo: ang makatuluyan ang kanyang kababatang si Anna. starsMonths after it first premiered, kilala na ng mga televiewers si Robin Padilla bilang si Totoy Magtanggol, isang magsasaka who accidentally became a champion boxer. Nakilala rin ng televiewers ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso, si Anna na ginampanan ni Regine Velasquez—ang first and only choice ni Robin para gumanap bilang love interest niya. "Syempre natutuwa ako at I'm honored na ako ’yung pinili niya para maging leading lady dito sa Totoy Bato," sinabi noon ni Regine ng kausapin siya ng press tungkol sa kanyang pagkakapili para gumanap bilang Anna. "’Yung tandem kasi namin ni Robin, subok na e. Nakadalawang pelikula na kami [and] it is so easy to work with him." Na dinugtungan naman ni Robin, "kasi ang pagmamahal ko kay Regine, wagas yan. Walang halong malisya, kapag siya ang aking katambal." Matatandaan na sinabi noon ni Robin na kakailanganin na kumportable at may chemistry sila ng kanyang ka-partner—na kitang-kita naman sa tambalan nila ni Regine. Ngayong huling linggo na ng Totoy Bato, the titular character faces off against Anna's husband na ginagampanan ni Ian Veneracion. At gayun din naman si Anna na makakalaban si Trixie (Ehra Madrigal) na siyang asawa na ni Totoy, at minahal na rin bilang tunay na ina ng anak at mga ampon ni Totoy. Pero bukod sa laban ng pag-ibig, may iba pang laban na haharapin si Totoy: ang pagligtas naman sa pamilya niya at ang pagka-makabayan niya. Ika nga ng nauna nitong director na si Mac Alejandre: "Totoy Bato [is] a simple story of a family, a very simple love story. It's a very simple story that has elements of Filipinism, and we really are very committed in that, we believe in that." Huwag palampasin ang huling linggo ng Totoy Bato sa GMA Telebabad. At laging maging updated kay Idol! Alamin kung ano ang pinagkakaabalahan niya through Fanatxt! Just text ROBIN to 4627 for Smart and Talk and Text subscribers. Each Fanatxt message costs PhP2.50 and is exclusive for the Philippines only.