
Sumakses ang first part ng anniversary special ng Pepito Manaloto nitong Sabado (April 26) matapos ito makapagtala ng mataas na TV ratings.
Nakamit ng Pepito Manaloto:15th Kuwentoversary ang 8.5 percent TV ratings base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating na mas malaki kontra sa katapat nitong programa.
Na-hook ang televiewers sa mga naganap sa anniversary and summer presentation ng Pepito Manaloto lalo na at todo selos si Elsa (Manilyn Reynes) nang malaman niyang napa-book sa isang hotel sina Pepito (Michael V.) at Vanessa (Robb Guinto) matapos masiraan ang kanilang sasakyan habang papunta sa resort kung saan sila dapat magbabakasyon.
Nakakatawa rin ang lasing moments ng mga empleyado ng PM Mineral Water matapos sila magwalwal sa kuwarto kung saan mamalagi sana sina Pepito at Elsa.
Bukod kay Robb, kasama rin sa anniversary presentation sina Gelli de Belen at Jak Roberto.
Kahit ang netizens, panay ang post ng magagandang comments sa viral episode ng sitcom nitong April 26.
Source: Pepito Manaloto social media accounts
Nabitin ba kayo sa kulitan at tawanan sa first part ng ating kuwentoversary? Balikan ang full episode ng Pepito Manaloto sa video below.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now