
Binigyang-buhay ng dance star duos ang Kuwentong Pinoy sa May 3 episode ng Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, kinagiliwan ng Dance Universe ang Maria Makiling performance nina Paul Salas at Calista Denise, kaya sila ang nagwagi bilang 11th top dance star duo.
Humanga rin ang dance authority sa kanilang performance, lalo na sa husay ni Paul na sumabay sa powerful portrayal ni Denise bilang Maria Makiling.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Jasmine Curtis-Smith at 1st.One Joker, na nagpasabog din ng angas sa kanilang Tikbalang performance.
Noong nakaraang linggo, sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy ang kinilala bilang 10th top dance star duo matapos maghatid ng makulay na Locking x Panagbenga performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: