GMA Logo Pekto and Hersey Neri
Source: heyhershey (IG) and pekto_ (IG)
What's on TV

Pekto at Hershey Neri, sobrang na-miss ang kulitan sa set ng 'Jose and Maria's Bonggang Villa'

By Aedrianne Acar
Published January 12, 2024 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Pekto and Hersey Neri


Ready na sa paghahatid ng good moments sina Sol Banayad (Pekto) at Marielou Cabangbang (Hershey Neri) sa season two ng 'Jose and Maria's Bonggang Villa.'

Sol Banayad and Marielou Cabangbang are back!

Siguradong masaya na naman ang panonood n'yo linggo-linggom dahil magbabalik na on TV ang Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0.

Bukod sa kulitan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gaganap muli bilang sina Jose at Maria; inaabangan ulit ang tandem nina Sol played by Pekto at ni Hershey Neri na ginagampanan ang role ng tsismosa na si Marielou.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa dalawang magaling na comedian, binalikan nila ang mga nami-miss nilang moments tuwing taping.

Para kay Pekto, priceless daw ang bonding nila na sabay-sabay kumakain sa set.

“Mas madalas off cam, ang pinaka nami-miss kong bonding moments namin is, 'yung sabay-sabay kami kumakain,” pagbabalik-tanaw ng Kapuso comedian.

Dagdag niya, “Na talagang kahit ano 'yung ilatag namin, sobrang sarap ng pagkain! Kahit nga hindi masarap, sumasarap kasi, sabay-sabay kami kumakain.”

Ayon naman kay Hershey, pinaka na-miss niya na makita kung gaano katindi ang suporta ng fans para sa kanilang sitcom.

Kuwento ng comedienne sa GMANetwork.com, “Sobrang excited ko miss na miss ko na watchers natin, mga Barangay Kangkungers. Pero grabe, sobrang nakaka-miss kasi sobrang interactive ng fan base ng Jose and Maria's Bonggang Villa, so, I'm so excited to read everyone's tweets and posts again.”

At ngayong magbabalik na ang Jose and Maria's Bonggang Villa, umamin din si Hershey Neri na medyo kinakabahan siya sa gagawing mga prank nina Pekto at Benjie Paras sa kaniya.

Aniya, “'Ay naku! Sina Kuya Benjie at Kuya Pekto, number one bullies ko yan. Grabe sa set, natutulog ako 'yung mga cooking pan ihuhulog sa floor. Tapos gugulatin ako.

“Kinakabahan na ako for sure [nariyan] na naman 'yung mga pranks nila, dinadamay nila lahat.”

“Kinakabahana ako honestly, kung ano 'yung mga pakulo nila.”

Nangako naman si Pekto na handa sila ng buong team ng Jose and Maria's Bonggang Villa na magbigay ng saya ulit sa kanilang avid viewers.

“So heto na kami, babalik na kami! So kung kami ay very happy, of course, kayo magiging masaya din dahil pasasayahin namin kayo.

“And may mga bagong twist! Abangan n'yo yan dito sa Jose & Maria's Bonggang Villa season two.”

MEMORABLE DONGYAN TV SHOWS AND FILMS: