GMA Logo Pekto Kazel Kinouchi Pinky Amador
What's on TV

Actor-comedian na si Pekto, mapapanood sa hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published February 9, 2023 10:52 AM PHT
Updated February 9, 2023 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Pekto Kazel Kinouchi Pinky Amador


Abangan si Pekto ngayong Huwebes sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Ngayong Huwebes, February 9, mapapanood si Pekto bilang guest sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa episode na ipapalabas mamaya, makikilala siya rito bilang si Elmer, ang desperadong ama ng isang batang babae na mayroong karamdaman.

Sa pagpunta niya at ng kaniyang anak sa APEX Medical Hospital, sina Zoey (Kazel Kinouchi) at Moira (Pinky Amador) ang unang makakakita sa kanila.

Idadaan nga ba ni Elmer (Pekto) sa karahasan ang kagustuhan niyang magamot kaagad ang kaniyang anak?

Ano kaya ang maitutulong ni Doc RJ (Richard Yap) sa mag-ama?

Mayroon kayang mapapahamak sa pag-iiskandalo ng isang desperadong ama?

Abangan ang mga eksena ng karakter ni Pekto at ng ibang pang kabilang sa cast ng pinag-uusapang serye sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guest actors sa serye ay Bubble Gang stars na sina Betong Sumaya at Arny Ross, Legaspi siblings na Mavy at Cassy Legaspi, Sparkle star na si Max Collins, at marami pang iba.

Ang naturang inspirational-medical drama series ay pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.

Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: