
Mukhang magiging maapoy, maapoy dahil sa inis ang Buwan ng mga Puso para sa Manaloto couple ngayong Sabado ng gabi!
Mapapahamak pa si Pepito (Michael V.) nang tulungan sila ni Tommy (Ronnie Henares) ng isang sexy babe na si Vanessa (Robb Guinto) matapos masiraan ng kotse.
Paano magre-react si Elsa kapag nalaman nito na may nakasalamuhang sexy girl si Pitoy na galing sa isang Bikini Bar?
Maging madilim kaya ang Valentine's Day nina Mr at Mrs. Manaloto?
Tutukan ang kulit guesting ni VMX star na Robb Guinto sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. ngayong February 8, 2025.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG GUESTING NI ROBB GUINTO SA 'FTWBA'