
Party mode ang lahat sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this Saturday, February 3.
Magbi-birthday si Elsa (Manilyn Reynes), pero wala pa siyang idea kung paano ipagdiriwang ang kaniyang special day.
Mapapansin naman ni Pepito (Michael V.) na sobrang nag-enjoy ang misis nang dumalo sa isang children's party!
Kaya naman dito makakuha ng idea si Pepito para sa birthday theme ni Elsa. Ang tanong, maging successful kaya ang birthday planning ng ating bida milyonaryo?
Sumama na sa big celebration na mangyayari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. ngayong February 3 pagkatapos ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.