
Ang terror tiyhanin ni Elsa (Manilyn Reynes) na galing Amerika, bibisita sa mansyon.
Pero bakit yata nanginginig sa takot ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.)?
Back to the Philippines na si Tiyang Lena (Shamaine Buencamino) pero ang pamilya Manaloto, makakatikim yata ng pagiging istrikto nito. Kahit nga si Pitoy, gumagawa ng paraan para iwasan ang tiyahin ng misis na kinakatakutan niya nung naliligaw siya kay Elsa noong nakatira sila sa Barangay Caniogan.
Matatandaan na sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, gumanap na Tiyang Lena si Sherilyn Reyes-Tan.
At ipinortray naman ni Mikee Quintos ang karakter bilang young Elsa.
Kung hanap n'yo ang best weekend ever, tutok na sa tawanan na hatid ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (October 21) sa oras na 7:00 pm, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.