
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 6.7 percent TV rating last May 2 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Matindi ang problema na hinaharap ng KTV bar business ni Elsa (Manilyn Reynes).
Nakatanggap kasi ng notice ang misis ni Pepito (Michael V.) na titibagin na ang kinatatayuan ng kanyang negosyo.
Paano kaya sasabihin nina Elsa at Patrick (John Feir) ang masamang balita sa kanilang staff? Dito na ba matatapos ang masayang samahan ng KTV bar?
KTV ni Elsa, magsasara na?!
Negosyo ni Elsa, titibagin na!
Patrick, hindi kinaya ang masamang balita!
Balikan ang mga nangyari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:
Pepito, the "Pop Culture Legendary" awardee!
Ang magulo pero supportive na pamilya Manaloto!
Pepito, ang patunay ng "don't settle for less"!
Pepito, kinilig sa bagong award!
Mga empleyadong sumobra sa singhot, na-ospital!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.