
Mainit na tinanggap ng mga manonood ang bagong GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.
Simula nang i-premiere ng psychological-action drama noong June 21, naging consistent trending topic ito sa Twitter.
Tinangkilik ang Ang Dalawang Ikaw dahil sa exciting scenes nina Ken Chan at Rita Daniela. Sa simula ng kuwento, ipinakita ang journey ng mga karakter nilang sina Nelson at Mia bilang mag-asawa at ang pagbabago sa personalidad ni Nelson.
Nagsimula ang kalbaryo ng mag-asawa nang makunan si Mia.
Labis na naapektuhan si Nelson dito dahil inako niya ang kasalanan. Pinagsalitaan siya nang hindi maganda ng kuya ni Mia na si Greg, ginagampanan ni Dominic Roco, bagay na dinibdib ni Nelson.
Dito na-trigger ang pagkakaroon ng ibang persona ni Nelson na nagngangalang Tyler.
Kabaligtaran ni Nelson, basagulero si Tyler. Inaaway niya agad ang sinuman ang bumastos sa kanyang girlfriend na si Beatrice, ginagampanan ni Anna Vicente.
Isang taong hindi nagparamdam si Nelson kay Mia pero hindi ito naging dahilan para tumigil si Mia sa paghahanap sa asawa.
Nagkaroon siya ng pag-asang makita muli si Nelson nang mapanood niya ang isang viral video ng lalaki na nakikipagsuntukan sa isang grupo ng lalaki.
Kinontak ni Mia ang uploader ng video at matagumpay na natunton si Nelson.
Gayunpaman, hindi nakilala ni Nelson si Mia kaya nagduda ang huli na hindi ito si Nelson kundi ang kakambal ng mister niya.
Kasabay ng hinagpis ni Mia, nakatapat niya si Beatrice. Nagkainitan ang dalawa nang sumingit si Beatrice habang umoorder si Mia ng pagkain sa isang coffee shop. Sa puntong ito, hindi pa alam ng dalawa na magkaribal sila sa isang lalaki.
Namangha naman ang netizens sa intensity ng acting ng mga karakter kaya nakatanggap ng papuri ang main leads ng Ang Dalawang Ikaw lalo na si Ken.
"Nakakabaliw na lahat ng role ni @akosiKenChan sa teleserye mula Destiny Rose hanggang Ang Dalawang Ikaw," tweet ng isang netizen.
Nakakabaliw na lahat ng Role ni @akosiKenChan sa Teleserye Mula Destiny Rose hanggang Ang Dalawang Ikaw#ADIKabitKa
-- RitKen (@silentfanofRK) June 28, 2021
ADI TunayNaAsawa
Narito ang iba pang tweets tungkol sa performance nina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw:
I'm waiting since day 1. Ang ganda at ang galing talaga ni Ken Chan & Rita Daniela. Applause, Applause, Applause 👏👏👏 And 2 thumbs up 👍👊🤘Keep it up all of you #AngDalawangIkaw
-- gie.cui (@CuiGie) June 28, 2021
Mapa Nelson or Tyler man, Talagang Pinapabilib mo kami @akosiKenChan
-- Melody 💗 (@Ritken_99929) June 28, 2021
sa natatanging pagganap mo dito sa “ Ang Dalawang Ikaw ” Napapa Wow nalang talaga ako sa Husay Mo Dito
Huhu So Proud of you, Ken! #ADIKabitKa
ADI TunayNaAsawa
Ang hirap naka duty tapos antay ng Ang Dalawang Ikaw Rita Daniela @akosiKenChan Sibrang ganda sobrang gagaling nyo #ADIKabitKa
-- chennie Kyla (@kylajessiern) June 28, 2021
ADI TunayNaAsawa
Patuloy na subaybayan ang Ang Dalawang Ikaw Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang Ang Dalawang Ikaw.