
Malalaman na ang malungkot na kuwento ni Mitena (Rhian Ramos) at kung bakit kinamumuhian niya ang Encantadia ngayong Miyerkules (June 18) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipakikilala na ang kakambal na ivtre (kaluluwa) ni Cassiopea (Solenn Heussaff) na si Mitena, nangangahulugan ang pangalan nito na sumpa.
Samantala, nagtungo na sa mundo ng mga tao si Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) kasama ang kanyang asawa at anak dahil sa utos ni Hara Cassandra (Michelle Dee). Ito ay upang maganap ang itinakda at maisilang ang tagapagligtas ng Encantadia.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: