
Ready na ready na ang Team PINKCAI (Pinky Amador at Cai Cortez) na harapin ang mga nakakaintrigang tanong sa original game show na The People Have Spoken!
Bago pa ang mismong palaro, sumabak muna ang dalawa sa isang POV Check question na: "May naninira sa iyo, tatarayan mo ba sila or you'll kill them with kindness?"
Agad-agad sumagot ang award-winning TV-theater na si Pinky.
"Kill them with kindness kahit hindi ako 'yun," aniya, natatawa sa kanyang sagot.
"That's the right thing to do, but not necessarily what she will do," hirit ni Cai.
Sang-ayon naman ang First Yaya star sa kanyang partner.
"Pero ako kasi mahilig ako mag-smile, 'di ba. Get them on your side," dagdag niya
Abangan ngayong Sabado ang Team PINKCAI (Pinky Amador at Cai Cortez) at Team MERMEL (Meryll Soriano at Mel Martinez) sa The People Have Spoken, 6:15 p.m. sa GMA.
READ: Team PINKCAI vs. Team MERMEL, maglalaban sa 'The People Have Spoken'
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok ngayong gabi sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Habang naghinintay, maki-POV check din sa masayang poll na ito: