GMA Logo Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

'Planet XP,' muling mapapanood sa GMA

By Maine Aquino
Published June 22, 2026 11:07 AM PHT
Updated June 22, 2026 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AC Bonifacio says Michael Sager was not involved in breakup with Harvey Bautista
2 weeks worth of rain flood 65 brgys in Iloilo City
Rex Orange County is coming to Manila on August 20

Article Inside Page


Showbiz News

Planet XP


Abangan ang pagbabalik ni Miguel Tanfelix sa 'Planet XP' sa GMA simula June 27.

Magbabalik sa telebisyon ang five-part magazine infotainment special na Planet XP na pinangungunahan ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix.

Simula ngayong June 27, muling masusubaybayan ng mga manonood ang mga adventure at makabuluhang paglalakbay ni Miguel sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa pagbabalik ng Planet XP, muling maipapakita ni Miguel ang kanyang hilig sa adventure, travel, at pagtuklas sa mga natatanging kuwento ng mga Pilipino.

Miguel Tanfelix in Planet XP

PHOTO SOURCE: Planet XP

Tampok sa five-part episode ng Planet XP ang mga Dumagat ng Norzagaray, Bulacan; ang Women Weavers of Cavinti, Laguna; ang Ayta-Mag-Indi Farmers ng Floridablanca, Pampanga; ang Mighty Mountaineers ng San Jose, Tarlac; at ang Champion Grassroots Windsurfers ng Mabini, Batangas.

Bukod sa mga ito, mapapanood din ang iba't ibang segments na magbibigay ng kaalaman tungkol sa mga lokal na komunidad, likas na yaman at tourist destinations, mga safety tips, pagkain, at iba pa. Magpapasaya rin sa mga manonood ang cute na animated animal Xplorer na si Tammy Tamaraw. Siya ang magpapakilala ng iba't ibang hayop na matatagpuan sa Pilipinas.

Hatid ng GMA Network ang Planet XP katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Huwag palampasin ang pagbabalik ng Planet XP tuwing Sabado ng gabi, simula June 27, 9:30 p.m., sa GMA.