
Ang comedienne-actress na si Pokwang ang pinakabagong guest star sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa isang exclusive video, masayang ibinahagi ni Pokwang ang ilang napansin niya sa set ng serye.
Pagbabahagi ni Pokwang, “Ay nakakaloka… makatotohanan at talagang pinag-aralan.”
Kasunod nito, nagbigay rin ng pahayag ang aktres tungkol sa napansin niya sa cast ng pinag-uusapang afternoon series.
Sabi niya, “Hindi basta mai-acting lang, maibuga lang 'yung lines. Talagang may mga tunay na doktor na talagang nakaalalay para maging makatotohanan…”
“Good vibes lang… Si Doc Analyn 'yung na-assign sa akin… Siya 'yung nag-train sa akin…,” dagdag pa niya.
Sa previous episodes nito, unang napanood si Pokwang na kaeksena si Doc Analyn, ang karakter ng Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Kasalukuyang nasa Eastridge Medical Hospital ang comedienne-actress para sa ilang eksena ng kanyang karakter na Pokwang din ang pangalan.
Bukod kay Pokwang, napapanood din ngayon ang ilan pang guest actors sa serye. Kabilang sa mga ito sina Klea Pineda at Tonton Gutierrez.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: