GMA Logo Pokwang on bashers
What's Hot

Pokwang, bumuwelta sa bumatikos sa kanyang pagkakawanggawa

By Dianara Alegre
Published March 19, 2020 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: April 24, 2026
2 Lalaki Angol Human Madisgrasya sa kurbadahong Karsada sa Balamban | Balitang Bisdak
RIEHATA, SB19 to collaborate on a special dance performance

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang on bashers


Niresbakan ni Pokwang ang bashers na pumuna sa kanyang pagkakawanggawa.

Nakatanggap pa rin ng pambabatikos ang ginawang pagmamalasakit ng aktres at komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala sa tawag na Pokwang sa mga pulis at sundalo na naka-duty sa mga checkpoint ng Metro Manila nitong Lunes, March 16.

Pokwang
Pokwang

Ginawa niya ang pagtulong sa pamamagitan ng pamimigay ng sandwiches na siya mismo ang gumawa.

Goodmorning.... pa tuna sandwich po para sa ating mga pulis, sundalo sa checkpoint next naman sa mga doctors and nurses.... wag mawalan ng pag asa matatapos din ito kapit lang mahal kong kababayan 🙏🏽❤️ Lord Jesus will cover us with his holy blood trust in him lang paaakkk again PAALALA“ MANAHIMIK KA SA BAHAY PARA SA IKABUBUTI NG MGA MAHAL MO SA BUHAY AT NG BAYAN 🙏🏽❤️

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Bukod dito, sinabi rin ni Pokwang na mag-aabot din siya ng tulong sa mga health worker at ibang frontliners na patuloy na nagseserbisyo sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Nitong Martes, March 17, pagre-repack naman ng bigas at mga pagkain gaya ng canned goods ang pinagkaabalahan ng aktres.

Aniya, ito ay para naman sa mga kababayan nating kapus-palad na nahihirapang mag-impok ng pagkain na tatagal ng isang buwan hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine na ipinatupad sa buong Luzon simula March 17.

“Sa mga friends ko wala muna video call at group chat. Busy ako mag-repack. Wait lang po para sa mga nasa bahay na alam nating kahit gusto nilang magtabi para sa lockdown e, wala naman ipangtatabing pagkain. Kapit lang ha, matatapos din ito,” aniya.

sa mga friends ko WALA muna video call at group chat hahahahhaaa busy ako mag re pack wait lang po para sa mga nasa bahay na alam nating kahit gusto nilang magtabi para sa lockdown e wala naman ipang ta tabing pagkain.kapit Lang ha matatapos din ito 🙏🏼🌈

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Don't worry hindi na po ako lalabas last na ito hahahahahaa pick up nalang ng baranggay captain NA pinagkakatiwalaan ko, alam na nya sino mga dapat bigyan 👍🙏🏼🌈 MGA walang pang lockdown NA pagkain mga nasa kalye at bahay na walang stock at pang stock, salamat sa mga kasambahay ko sa help thank you Omay 🙏🏼❤️ ako na bahala sa pamilya nyo 🙏🏼 GOD PLEASE HEAL OUR LAND AND THE WORLD 🙏🏼

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Ngunit sa kabilang ng lahat ng ito, nakatanggap pa rin ng pambabatikos ang komedyante mula sa netizens.

Hindi nagpatinag at galit na binuweltahan ni Pokwang ang bashers sa Instagram.

Aniya, “READ THIS MGA ANIMAL! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON? HAA? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS? NGAYON PA TALAGA? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!”

READ THIS MGA ANIMAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS???? NGAYON PA TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Sa hiwalay na post nitong Miyerkules, March 18, muli niyang pinatutsadahan ang bashers sa pamamagitan ng pagpo-post ng video kung saan makikitang tinatanggap ng mga nangangailangan ang mga nirepake niyang bigas.

O eto pa mga EPAL NA WALA NAMAN MAGAWA KUNDI MAG UROT LANG SA SOCIAL MEDIA!! Ito ANG tamang panahon para gamitin sa tama ang SOCIAL MEDIA! mag hikayat at magkalat ng goodvibes hindi pang ba BASH! O AYAN mga guardia at maintenance sa buong Subdivision ok bye!!!!

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Kasalukuyang sumasailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

Kabilang sa mga regulasyong kaakibat nito ay ang pagsasara ng mga establisimyento, pagsuspinde ng klase at trabaho, pagbabawal sa paglabas at pagpasok sa Metro Manila at mga kalapit na lugar, at istriktong pagpapatupad ng home quarantine.

Marami ang apektado ng kautusan kaya ilang personalidad na rin ang gumawa ng mga hakbang para magbigay-ayuda sa mga nangangailangan.

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

Pokwang remembers late Chokoleit one year after his death

'Mission Unstapabol' actress Pokwang, di napigilan ang galit sa komentong "cheap comedy"