What's on TV

Pokwang, inaming hindi boto ang yumaong ina kay Lee O'Brian

By Nherz Almo
Published February 4, 2023 10:59 AM PHT
Updated February 4, 2023 8:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang on fast talk with boy abunda


Pokwang, sa relasyon nila ni Lee O'Brian: "Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kanya."

Inamin ni Pokwang na noon pa man ay hindi sang-ayon ang kanyang yumaong ina, na si Gloria Subong, sa pakikipagrelasyon niya sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian.

Ito ang inilahad ng Tiktoclock host sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, February 3, matapos isiwalat ni Pokwang ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee.

“Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kanya,” umiiyak na pag-amin ni Pokwang.

Kasunod nito, humingi siya ng tawad sa yumaong ina, “Ma sorry. Sorry Ma hindi ako nakinig sa 'yo. Sorry po. Kailangan ko po ng yakap niyo Ma. Nami-miss ko na si Mama, pero 'di ba ayokong sumama.”

Sa “Fast Talk” segment na unang bahagi ng programa, tinanong ni Boy Abunda si Pokwang: “Where do broken hearts go?”

Sagot ni Pokwang, “Sa simbahan dapat, e. Wala na kasi akong nanay. Kung may nanay pa ako, doon ako sa nanay ko.”

Pumanaw ang ina ni Pokwang noong 2020 sa sakit na dementia.

TINGNAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE O'BRIAN SA GALLERY NA ITO: