
Malaman ang mga binitawan salita ng award-winning comedienne at TiktoClock host na si Pokwang sa Instagram.
Kahapon, February 25, ibinahagi ni Pokwang ang Instagram Reel kung saan mapapanood siya habang nag-e-exercise.
Sabi niya sa caption, “The best revenge is to be fit and healthy, not to impress someone or anybody, dapat fit para sa mga anak lalo na kung single mom ka.”
Last year, kinumpirma mismo ng Kapuso actress na hiwalay na sila ni Lee O'Brian, ang longtime partner niya na ama ng kanyang ikalawang anak.
Sa kanyang Instagram Reel, sinabi ni Pokwang, “Hindi dapat sinisisi ang isang ina kung napabayaan ang katawan kaya naghanap ng iba si mister, siguro kaya napabayaan kasi kakaalaga sating mga anak? kakaisip paano tayo palalakihin ng maayos? hindi maka pag-papasalon kasi kulang sa budget? Kakainin nalang ng mga anak, pang baon sa school pang tuition fee.”, pagpapatuloy niya, “Kaya 'wag natin kutyain ang katawan ng isang babae lalo na kung nanay dahil para mo na rin sinisi sarili mong ina na nagpabaya dahil sa pagmamahal sa 'yo.
“#PeaceEveryone ang ganda ng katawan ay kumukupas at babalik sa alabok pero pagmamahal ng isang anak ay walang kamatayan.”
Sunod-sunod naman na komento ng celebrities tulad nina Vina Morales, social media star Macoy Dubs, at Ten Little Mistresses co-actor niyang si Carmi Martin, na sumang-ayon sa post ni Mamang.
Source: itspokwang27 (IG)
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras noong July 2022, nilinaw ng aktres na walang third party sa hiwalayan nila ni Lee.
Sabi ni Pokwang sa “Chika Minute” noon, "Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon.
"Siguro napagod lang kami,"
Isinilang ni Pokwang ang anak nila ni Lee na si Malia noong January 2018.
BALIKAN ANG NAGING RELASYON NINA POKWANG AT LEE DITO: