GMA Logo Pokwang, Sef Cadayona, Angel Guardian, Kokoy de Santos, Gladys Reyes, Mikee Quintos
What's on TV

Pokwang may pasilip sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' lock-in taping

By Aimee Anoc
Published July 5, 2021 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang, Sef Cadayona, Angel Guardian, Kokoy de Santos, Gladys Reyes, Mikee Quintos


Excited na rin ba kayong mapanood si Pokwang sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'?

Mapapanuod na sa July 17 ang unang kuwento ng pag-iibigan nina Elsa Manaloto (Manilyn Reynes) at Pepito Manaloto (Michael V.) na magsisimula sa kabataan nila noong '80s.

Nagsimula noong June ang lock-in taping ng cast members ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Isa sa mga aktor ng prequel ay ang batikang komedyante na si Pokwang.
Inside link:

Sa larawang ibinahagi ni Pokwang sa Instagram, makikita ang iba pang cast members na sina Sef Cadayona, Angel Guardian, Kokoy de Santos, Gladys Reyes, at Mikee Quintos habang nasa loob ng isang tent.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

"E 'yung masaya lang at good vibes ang lahat sa tent," pagbabahagi ni Pokwang.

Sina Sef at Mikee ang bibida bilang batang Pepito at batang Elsa sa prequel. Gagampanan naman ni Kokoy de Santos ang batang Patrick.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang iba pang celebrities na bibida sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento: