
Isang payo ang ibinigay ni Pokwang sa mga tulad niyang nasaktan dahil sa pag-ibig at sinusubukang bumangon para makapag-move on sa kanilang buhay.
Inamin ni Pokwang ang naging hiwalayan nila ni Lee O'Brian noong 2022 pagkatapos ng anim na taon nilang pagsasama.
Saad ni Pokwang sa YouTube channel ni Karen Davila, "Magmahal kayo nang magmahal. Kung nasaktan kayo ganoon talaga, maghi-heal din 'yan."
PHOTO SOURCE: YouTube: Karen Davila
Payo pa ni Pokwang, masakit man ay baunin sana ang mga aral mula sa pinagdaanang ito.
"Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Kunin mo lang 'yung lesson. Nagmahal ka, ganoon talaga e."
Dugtong ni Pokwang, matutong mahalin ang sarili pagkatapos maranasan ang sakit mula sa isang failed relationship.
"Now na natuto ka, nakita mo na 'yung pain na naidulot sa'yo, mahalin mo na ang sarili mo."
SAMANTALA, BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE: