GMA Logo Princess Aliyah
Source: 24 Oras
Celebrity Life

Princess Aliyah, naging hands-on sa paghahanda sa kanyang debut

By Karen Juliane Crucillo
Published August 9, 2026 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

La Mesa Dam breaches critical level amid Habagat rains
'The Girls: A Khloé Kardashian Project' premieres August 21st exclusively on Dinsey+
P14.6M suspected smuggled cigarettes seized in NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Aliyah


Princess Aliyah sa pagaasikaso ng kanyang debut: "Wala po talagang tulog."

Natupad na ang dream debut ni Princess Aliyah noong Biyernes, August 7, sa Manila Marriott Hotel.

Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Sabado, August 8, ibinahagi ng ex-PBB housemate ang kanyang pinagdaanan sa paghahanda para sa kanyang debut.

"Habang nagte-taping nga po, since ayun parang every day palagi akong may ganap, hinahanapan ko po talaga siya ng time," sabi niya.

Ikinuwento ni Princess na gusto niyang maging hands-on lalo na sa bawat detalye ng kanyang espesyal na araw.

"Kasi po, syempre, gusto ko ako 'yung mamili ng color, invitation, ako din magse-send," dagdag niya. "So, wala po talagang tulog."

Tila naging reunion din ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ang debut ni Princess dahil nagsilbing 18 roses ang mga lalaking housemate. Samantala, 18 shots naman ang mga babaeng housemate.

Kasama rin sa debut entourage ang ilang GMA executives na sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle Vice President Joy Marcelo.

Hindi rin nagpahuli si Princess na mag-perform sa kanyang debut, na naging mala-concert dahil kinanta niya ang kanyang first single na “Amba.”

Inilabas ang “Amba” noong June 12.

Panoorin ang buong balita rito:

RELATED GALLERY: Princess Aliyah shows elegance and beauty in pre-debut photos