
Bukod sa pagiging abala sa kaniyang acting projects, stepping into her music career na rin si Princess Aliyah.
Related gallery: The different styles and looks of Princess Aliyah
Kaabang-abang ang performance ni Princess ngayong darating na Linggo, July 5 sa All-Out Sundays, kung saan ipaparinig at ibabahagi niya ang kaniyang newest single na “Amba.”
Inanunsyo ng GMA at ng noontime variety show sa social media ang tungkol sa nalalapit na pagkanta ng Kapuso actress-singer sa mismong AyOS stage.
Ayon sa Sparkle star, ang “Amba” ay tungkol sa back-and-forth romance at struggle sa pakikipag-connect sa isang taong nagbibigay ng mixed signals.
Matatandaang kamakailan lang ay napakinggan at nakatanggap ng makulit na approval ang new song ni Princess mula sa kanyang co-stars sa GMA series na You're My Favorite Song.
Isa si Princess sa cast members ng serye at kasama niya rito ang kaniyang former housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa, Clifford, Lee Victor, at Waynona Collings.
Sa isang hiwalay na interview, masayang ibinahagi ni Princess na grateful at blessed siya sa mga nangyayari ngayon sa kaniyang career.
Patuloy na subaybayan si Princess at ang istorya ng You're My Favorite Song, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime.