
Isang matinding face-off ng magkakaibigan at reality show alums ang magaganap sa original game show na The People Have Spoken.
Ngayong Sabado (July 25), mas magiging exciting ang weekend nights kasama ang high-energy Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Humanda rin sa papremyo at kuwentuhan kasama ang mga bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Pupunuin ng kulitan at competitiveness ang studio ng Team RUMI na binubuo ng primetime action hero na si Ruru Madrid at fellow Protégé alum na si Mikoy Morales.
Tatapatan naman sila ng Team ANARRA na binubuo ng StarStruck 6 batchmates Analyn Barro at Arra San Agustin.
Hindi lang matinding face-off ang dapat abangan ng mga Kapuso dahil may panibagong saya at kulitan ding hatid ang game show.
Babalik bilang bagong celebri-peep guest ang Bubble Gang funnyman at Your Honor host na si Buboy Villar! Mapapakinggan din ang opinyon ng ating resident celebri-peep at beauty queen-advocate na si Joy Barcoma.
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP 200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: