GMA Logo Julius Manalo, KMJS
Courtesy: GMA Public Affairs
What's Hot

Pulis, nakapiling ang Koreanang ina makalipas ang mahigit 30 years

By EJ Chua
Published October 14, 2024 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Julius Manalo, KMJS


Matindi pa sa K-drama scenes ang reunion ng isang pulis na half-Filipino at half-Korean at ng kanyang Koreanang ina.

Usap-usapan online ang touching moment ng isang half-Filipino at half-Korean at ng kanyang Koreanang ina.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, itinampok ang istorya ni Julius Manalo, ang pulis na mahigit tatlong dekadang nawalay sa kanyang eomma na ang ibig sabihin sa Korean ay ina.

Dito ay ibinahagi ni Julius kay Jessica Soho ang ilang detalye tungkol sa kanyang buhay.

Ipinanganak siya sa South Korea noong 1986. Ang kanyang ama ay si Eustaquio Manalo at ang kanya namang ina ay si Oh Geum Nim.

Pahayag niya, “Ako po 'yung naging bunga ng pagsasama nila pero hindi po naging okay ang pagsasama nila.”

Anim na taon lang umano si Julius nang magkalayo sila ng kanyang ina dahil isinama siya ng kanyang ama na isang Pinoy pauwi sa Pilipinas.

Ayon kay Julius, kahit narinig niya mula sa kanyang ama na hindi na sila babalik sa Korea, hindi pa rin nawala sa kanyang isipan na isang araw ay muli niyang makakapiling ang kanyang eomma.

Sabi niya, “Lagi ko pa ring tinatanong sa tatay ko na, hindi ba pwedeng bumalik na lang ako sa nanay ko. Ang sinasabi niya lang na kailangan mag-aral ka ng mabuti kung gusto mong makabalik doon.”

“Hindi ko po tinanggap na hindi na kami magkikita ng nanay ko… 'Pag ako umangat sa buhay at kaya ko na siyang hanapin, hahanapin ko siya,” dagdag pa niya.

Lumipad si Julius patungong Korea nitong September 6, 2024, at doon ay matagumpay niyang nakapiling muli ang kanyang ina.

“Matindi pa sa K-drama,” ganyan inilarawan ni Jessica Soho ang nakaaantig na pagkikita nina Julius at ng kanyang eomma: “

Inilahad din ng pulis na kapatid niya sa ama ang aktor at Mga Batang Riles star na si Jay Manalo.

Ayon kay Julius, noong malaman ng kanyang Kuya Jay na siya ay nagtitinda ng basahan, tinulungan siya nito at pinag-aral.

Panoorin ang kwento ng buhay ni Julius sa video sa ibaba:

Samantala, nagsisilbing inspirasyon ngayon ang kwento ni Julius sa napakaraming tao.