
Ang murder mystery drama na Widows' War ang isa sa mga palabas sa GMA na pinag-uusapan ngayon ng maraming Pinoy viewers.
Ngunit bukod sa kanila, tila nahu-hook na rin sa serye ang ilang celebrities.
Isa sa mga nakatutok dito ay ang Sparkle star na si Rabiya Mateo.
Sa naging panayam ni Aubrey Carampel kay Rabiya sa 24 Oras, nabanggit ng huli ang isa sa star-studded cast members ng Widows' War na si Jean Garcia.
Inamin ni Rabiya na pangarap niya umanong makatikim ng sampal mula kay Jean.
Ayon pa sa 27-year-old actress, game na game siya kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na maging guest star siya sa serye bilang si Tasha, ang karakter niya noon sa Royal Blood.
Pahayag niya, “I'm open to the idea na si Tasha papasok sa Widows' War.”
“Sana maka-eksena niya si Jean Garcia, 'di ba? Masampal man lang siya ni Aurora [Jean Garcia's character],” dagdag pa ng Sparkle star.
RELATED GALLERY: Bea Alonzo throws Thanksgiving party for Team 'Widows' War'
Samantala, kasalukuyang napapanood bilang guest actors sa serye ang Royal Blood stars na sina Lianne Valentin at Arthur Solinap, at ang Widows' Web actress na si Vaness del Moral.
Ang Widows' War ay spinoff series ng Widows' Web at Royal Blood.
Samantala, huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Related gallery: Mysterious highlights of the 'Widows' War' media conference