GMA Logo rabiya mateo and jeric gonzales
Source: jericgonzales07/IG
Celebrity Life

Rabiya Mateo, itinuturing na good influence sa kanya si Jeric Gonzales

By Nherz Almo
Published March 1, 2023 6:06 PM PHT
Updated March 1, 2023 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo and jeric gonzales


Rabiya Mateo sa pagbabalikan nila ni Jeric Gonzales: “Hindi naman ako mag-i-stay din kung di siya mabait.”

“Love is sweeter the second time around” at kitang-kita ito sa mga mata ani Rabiya Mateo.

Kapansin-pansin ang say ani Rabiya nang mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jeric Gonzales sa panayam ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media kamakailan.

Sa katunayan, tila may kilig pa siya nang tanungin kung ano ang kahalagahan sa kanya ng February 15. Sinagot niya, “The day na nag-Fast Talk si Jeric?”

Ang tinutukoy ni Rabiya ay ang naging panayam ni Jeric sa daily talk show na Fast Talk with Boy Abunda, kung saan sinabi niya na “getting there” na ang pagbabalikan nila ng beauty queen-TV host.

Pautloy ni Rabiya, “Tawang-tawa ako kasi sabi ni Jeric, getting there, mga six out of 10. Sabi ko sa kanya, kapag ako ang tinanong ni Tito Boy, sasabihin ko, getting there, two out of 10.”

Panoorin ang episode na ito rito:

Pero bukod sa Fast Talk interview, February 15 din nang muling mag-post ng Instaram photos si Jeric kasama si Rabiya. Instant kilig pa ang hatid nito sa kani-kanilang followers dahil nagpalitan sila “I love you.”

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Ayon kay Rabiya, nagpaalam pa sa kanya si Jeric bago i-post ito. Kuwento niya, “Nagulat din ako. Dati kasi tinatanong ako ni Jeric, binibiro niya ako na 'O, magpo-post na tayo.' Pero before that kasi, may mga kumakalat na rin kasi talaga na napi-picture-an kami sa airport.”

Ngayong nagkabalikan na sila, sabi ni Rabiya, “Siguro, unlike dati, let not put pressure na lang sa [relationship] natin, na kailangan alam nang lahat. Kasi, wala namang perfect na relationship. At least we're trying we're striving. At the end of the day, we would always choose each other, yun naman ang importante.”

Kaugnay nito, inilarawan din niya si Jeric bilang isang magandang impluwensya sa kanyang buhay.

“Hindi naman ako mag-i-stay din kung di siya mabait,” sabi niya.

“Good influence siya sa akin. Kasi dati ako yung praning na, 'Oh my God, baka they don't like me. Baka wala na akong career kasi ganito-ganyan.' Pero siya yung palaging, 'Chill ka lang.'”

Sa hiwalay na panayam kay Rabiya sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong siya kung handa na siyang magpakasal.

Ang sagot niya, “Siguro hindi agad-agad pero siguro in two years kasi gusto ko rin Tito Boy na maging nanay na. I can see myself.”

Halos ganito rin ang sinagot niya nang tanungin ng entertainment media tungkol sa engagement. Kamakailan kasi ay nag-renew siya ng endorsement deal sa jewelry brand na LVNA. Dito, natanong kung nai-imagine na niya ang engagement ring niya.

Sagot ni Rabiya, “Siguro hindi po talaga kung anong singsing ang ibibigay. Pero ini-imagine ko kung saan magpo-propose. Ganun po ako, kahit siguro yung paper ring lang na tinatawag nila. I want it to be very special, very magical. Ganun ko siya iniisip.”

Pero agad na nilinaw ng 27-year-old beauty queen, hindi niya ito minamadali.

Aniya, “Darating siya. Hindi ko naman minamadali, hindi ko rin hinahanap. Naniniwala ako na I have to enjoy everything that I have now. Kasi, kapag minadali ko, baka kung ano ang mayroon ako ngayon, baka mawala pa.

“Siguro natakot din ako sa nangyari sa mom ko. Kasi yung mom ko, talagang all-out siya pagdating sa pagmamahal. She wasn't able to do much sa career niya. 'Tapos, noong nag-fail ang relationship niya, talagang nag-struggle po kami financially. You know, ayaw ko yun mangyari sa family ko.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RABIYA AT JERIC SA GALLERY NA ITO: