
Makahulugan ang naging pahayag ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng beauty queen-turned actress na si Rabiya Mateo.
Sa February 15 episode ng naturang programa, sumalang sa “Fast Talk” segment si Jeric at isa sa naging katanungan ng batikang host na si Boy Abunda ay tungkol kay Rabiya.
Tanong ni Boy, “Oo o hindi, nagbalikan ba kayo ni Rabiya Mateo?”
Matagal naman bago nakasagot si Jeric pero malaman ang kanyang naging pahayag.
“A, hindi pa po. Getting there,” sagot ni Jeric.
Muli namang nagtanong si Boy, “One to ten, nasaan? Ten being there.”
“Six,” sagot ni Jeric.
Ngunit tila hindi pa rin kumbinsido si Boy sa sagot ni Jeric kung kaya't inusisa niya pa ito.
Tanong niya, “Six lang ba? Uulitin ko, six lang ba o seven or…”
“Eight,” mabilis na sinabi ni Jeric.
Napatawa naman si Boy at Jeric sa naging sagot ng huli.
May 2022 nang kumpirmahin nina Jeric at Rabiya ang kanilang relasyon pero ilang buwan lamang matapos ito ay napabalitang naghiwalay na ang dalawa. Bagamat piniling maging single, nanatili namang magkaibigan ang dalawa.
Hanggang sa October 2022, muling nasilayan ng publiko na magkasama sina Jeric at Rabiya sa ginanap na first-ever Sparkle Spell -- ang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center. Dahil dito muling umugong ang isyu na maaaring nagkabalikan ang dalawa. Agad naman itong pinabulaanan ni Rabiya noon at sinabing naka-focus lamang sila ni Jeric sa kanilang careers.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC GONZALES AT RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: