GMA Logo Rabiya Mateo in Fast Talk With Boy Abunda
Source: jericgonzales07 (Instagram)
What's on TV

Rabiya Mateo handa na nga bang magpakasal?

By Jimboy Napoles
Published February 22, 2023 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo in Fast Talk With Boy Abunda


Rabiya Mateo sa planong pagpapakasal: “Siguro in two years." Pero ang desisyon na ito ay hindi lang sa kanya dapat manggaling.

Masayang ibinahagi ni Rabiya Mateo sa Fast Talk with Boy Abunda na handa na siyang magpakasal ngayon at nakikita na rin niya ang kanyang sarili na maging isang ina.

Sa February 21 episode ng programa, sumalang sa “The Talk” interview si Rabiya kasama ang King of Talk na si Boy Abunda kung saan napag-usapan nila ang buhay pag-ibig ng beauty queen-turned-actress.

Sa nasabing panayam ibinahagi ni Rabiya na minsan na rin siyang inalok ng kasal noon ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend na si Neil Salvacion bago sila maghiwalay.

Ayon kay Rabiya, hindi niya ito tinanggap dahil nang panahon na iyon ay hindi pa siya handa at marami pa siyang nais gawin para sa kanyang pamilya.

Kuwento niya, “Parang during that time kasi Tito Boy galing din ako sa walang-wala tapos nakita ko when I won Miss Universe Philippines parang sabi ko ito na 'yung time ko para makapag-ipon, para mabilhan ko 'yung nanay ko ng bahay, para mapagpatuloy ko man kung gusto pa ng kapatid ko na mag-aral, so parang ako po 'yung breadwinner e, and dahil wala akong dad parang nasa akin lahat ng responsibilidad na 'yun so hindi ko pa kayang maiwan 'yun para mag-asawa.”

Ngayon na in-a-relationship na muli si Rabiya sa Kapwa Kapuso star na si Jeric Gonzales, hindi napigilang itanong ng batikang host na si Boy kung handa na bang magpakasal ngayon ang magandang dalaga.

Tanong ni Boy, “Halimbawa lang you get a new proposal would you?”

“Say yes?,” natatawang dugtong ni Rabiya sa tanong ni Boy.

Sagot naman niya, “Siguro…Kasi iba na rin ngayon Tito Boy e, parang kasi during that time I was just twenty three and ngayon Tito Boy parang feeling ko na-fulfill ko na 'yung pangarap ko for my family. Nabilhan ko na ng bahay si Mama, nabigyan ko na sila ng savings, nakapag-ipon na po ako.”

Ayon kay Rabiya, tingin niya ay handa na siya ngayon dahil natupad na ang pangarap niya para sa kanyang pamilya at gusto na rin niyang maging isang ina.

Aniya, “Siguro hindi agad-agad pero siguro in two years kasi gusto ko rin Tito Boy na maging nanay na. I can see myself.

“Pero hindi lang naman kasi 'yun yung desisyon na ako lang ang gagawa, kami dapat dalawa ng partner ko.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC GONZALES AT RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: