GMA Logo Rabiya Mateo, Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Rabiya Mateo sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil Salvacion: 'He proposed to me'

By Jimboy Napoles
Published February 21, 2023 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo, Fast Talk with Boy Abunda


Iginiit ni Rabiya Mateo na hindi korona ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil Salvacion.

First time sa Fast Talk with Boy Abunda na inamin ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo ang totoong dahilan nang paghihiwalay nila noon ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion.

Hindi ito ang unang beses na nagkaharap ang King of Talk na si Boy Abunda at si Rabiya kung kaya't naging magaan ang naging usapan ng dalawa sa past relationship ng actress-host partikular na sa dating nobyo nito na si Neil.

Matatandaan na kasagsagan ng Miss Universe 2020 pageant nang maghiwalay sina Rabiya at Neil kaya naman ang diretsang tanong ni Boy, “Iniwanan mo ba siya dahil sa korona?”

Agad naman itong sinagot ni Rabiya, “Hindi. Hindi Tito Boy.”

Hindi naman nagdalawang-isip si Rabiya na ibahagi ang dahilan ng break-up nila ni Neil.

Aniya, “He proposed to me Tito Boy and I was so young that time I wasn't ready.”

Ayon kay Rabiya, hindi pa siya handa noon na magpakasal kay Neil dahil marami pa siyang nais gawin para sa kanyang pamilya.

Kuwento niya, “I have a lot of dreams pa for my family and during that time, he was ready to settle na because feeling niya okay na siya sa buhay pero ako I want to aspire to be more, so doon na kami nagkaroon ng conflict.”

Emosyonal din na ibinahagi ni Rabiya ang mga pangarap niya noon para sa kanyang pamilya na malaking dahilan upang tanggihan niya ang alok na pagpapakasal ng dating nobyo.

“Parang during that time kasi Tito Boy galing din ako sa walang-wala tapos nakita ko when I won Miss Universe Philippines parang sabi ko ito na 'yung time ko para makapag-ipon, para mabilhan ko 'yung nanay ko ng bahay, para mapagpatuloy ko man kung gusto pa ng kapatid ko na mag-aral, so parang ako po 'yung breadwinner e, and dahil wala akong dad parang nasa akin lahat ng responsibilidad na 'yun so hindi ko pa kayang maiwan 'yun para mag-asawa,” ani Rabiya.

Bukod pa rito, naging focus na rin ni Rabiya ang kanyang career at hindi na niya matutukan ang relasyon nila ni Neil.

Paglalahad niya, “Feeling ko rin hindi ko na rin mabigay 'yung one hundred percent ko sa relationship kasi maraming nangyayari and 'yung engagement na 'yun parang for me it was a big step.”

Nilinaw naman ni Rabiya na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Neil at nananatili silang magkaibigan ngayon.
Aniya, “We are [friends] kasi mabait siya and kaya mo namang makipagkaibigan with your ex e. Kaya without feelings, kasi ako kaya ko.”

Sa ngayon ay masaya na rin si Rabiya sa kanyang bagong love life kapiling ang boyfriend at kapwa Kapuso star na si Jeric Gonzales.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC GONZALES AT RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: