GMA Logo Family Feud Raising Mamay Family
What's on TV

'Raising Mamay' family, panalo ng PhP 200k jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published June 8, 2022 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Raising Mamay Family


Congratulations, 'Raising Mamay' family!

Hindi lamang sa heavy drama may ibubuga ang cast ng pinag-uusapang drama sa hapon na Raising Mamay dahil panalo rin sila pagdating sa hulaan ng top survey answers sa Family Feud.

Wagi ng PhP 200,000 jackpot prize ang ilan sa mga bida ng serye na sina Shayne Sava, Valerie Concepcion, Abdul Raman, at Tart Carlos sa kanilang paglalaro sa episode ng nasabing game show ngayong Miyerkules, June 8.

Dito ay nakalaban nila ang mga idol sa kusina na Team Menu Masters na sina Chef Jose Sarasola, Chef JR Royol, at mag-asawang Chef Lau Laudico, at Chef Jac Laudico.

Dikit ang laban ng dalawang team sa first three rounds, pero pagdating sa fourth round, nakakakuha ng mas mataas na score na 426 points ang Raising Mamay habang nakakakuha naman ng 120 points ang Team Menu Masters.

Sina Valerie at Tart ang sumalang sa fast money round kung saan nakabuo sila ng 231 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize.

Ang Raising Mamay family na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon. Sinundan nila ang pamilya ng award-winning actor na si Martin Del Rosario na nanalo noong nakaraang linggo, June 2.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Kanlungan ni Maria bilang chosen charity ng Raising Mamay family.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, kilalanin pa ang cast ng Raising Mamay sa gallery na ito: