GMA Logo Rayver Cruz Kylie Padilla and Jak Roberto
What's on TV

Rayver Cruz, na-enjoy makatrabaho sina Kylie Padilla at Jak Roberto sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published June 14, 2022 2:12 PM PHT
Updated June 14, 2022 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz Kylie Padilla and Jak Roberto


"Nakakatuwa kasi nag-jive kaming tatlo, napakabait nilang dalawa, and napakasarap kasama." - Rayver Cruz.

Na-enjoy na makatrabaho ni Rayver Cruz ang co-stars niyang sina Kylie Padilla at Jak Roberto sa sports drama series ng GMA na Bolera.

Sa naganap na "A-May-Zing Funcon" ng GMA Pinoy TV," ikinuwento ni Rayver na agad siyang napalapit kina Kylie at Jak kahit na unang beses niya pa lamang nakasama sa lock-in taping ang mga ito.

"Na-enjoy kong kasama silang dalawa. First time kong naka-work si Jak and si Kylie naka-work ko before pero hindi sa lock-in. So in a way parang first time naming nagkasama-sama nang ganito katagal," sabi ni Rayver.

Dagdag niya, "Nakakatuwa kasi nag-jive kaming tatlo, napakabait nilang dalawa, and napakasarap kasama. Masiyahin 'yang dalawang 'yan pero makikita mo sa kanilang dalawa na malalim sila na tao, marami nang natutunan at pinagdaanan sa buhay."

Halos dalawang buwang nakasama ni Rayver sa lock-in taping sina Kylie at Jak. Kaya naman hindi naiwasang ma-miss ng aktor ang magandang samahang nabuo nila sa set ng Bolera.

"Nakaka-miss nga, nakaka-miss 'yung taping, 'yung samahan. Thankful ako kasi silang dalawa 'yung nakasama ko rito. Napakagaan at napakasaya sa set," pagtatapos ng aktor.

Patuloy na subaybayan sina Rayver, Kylie, at Jak sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: