Celebrity Life

READ: Sheena Halili pens heartwarming anniversary message for fiancè Jeron Manzanero

By Jansen Ramos
Published August 15, 2019 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
LIVE - Ombudsman press conference (April 16, 2026)
Heart Evangelista sets the record straight about beauty enhancements

Article Inside Page


Showbiz News

Sheena Halili and fiance Jeron Manzanero play under the rain


Sheena Halili to her fiancè Jeron Manzanero: “Walang pressure basta enjoy lang at magkakampi tayo ha?"

Simple ngunit makabuluhan ang anniversary message ni Sheena Halili sa kanyang fiancè na si Jeron Manzanero.

Sheena Halili
Sheena Halili

Base sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, August 14, tila destiny ang kanilang pagtatagpo dahil madali silang nag-click ng non-showbiz guy.

Panimula ng 32-year-old actress, "Diyan tayo nagsimula sa simpleng MASAYA TAYO KAPAG MAGKASAMA.

"Pareho tayong mag-isa at naghahanap ng makakasama.

"Pinagtagpo ng tadhana at ngayon ikakasal na."

IN PHOTOS: Meet Sheena Halili's fiance, Atty. Jeron Manzanero

Ibinida pa ni Sheena na hindi sila nahirapang pakitunguhan ang isa't isa.

Sabi ng Love You Two star, "Wala naman tayong ginawa kung hindi maging totoo sa isa't isa, at i-enjoy lang ang bawat araw na magkasama."

Dagdag pa niya, "Mula noong magkakilala tayo, hindi na tayo naghiwalay.

"Hindi mo kaya, at ako parang hindi ko na rin kinakaya, nakaka-miss na!

"Nakaka-miss ka na."

Sheena Halili, aminadong 'kabado' sa nalalapit na kasal

Ngayong malapit na silang ikasal, masasabi ni Sheena na si Jeron nga talaga ang "the one" for her.

Pagbabalik-tanaw niya, "Ang bilis, ang dami at ang simple ng nangyari sa buhay nating dalawa."

Paliwanag pa niya, "Siguro gano'n nga talaga, kapag kasama mo na 'yung tama, 'yung totoo, at 'yung nilaan sa'yo ni Bathala."

Sa kabilang banda, aminado si Sheena na marami silang pagkakaiba ni Jeron pero hindi ito naging hadlang para maging smooth-sailing ang kanilang relationship.

Ika niya, "Ang dali-dali pa rin ng buhay ko sa piling mo kahit 'yung ayaw mo ay ginugusto mo para sa akin, at madali mong sabihin na “ayaw ko, kung ayaw mo” dahil ako ang priority at buhay mo.

"Ganon rin ako. Ganon tayong dalawa. Walang pressure basta enjoy lang at magkakampi tayo ha?"

Pagtatapos ni Sheena, "Ikaw at ako, forever!

"Masaya ako at kasama pa rin kita!"

Masaya siya kapag masaya ako. Masaya ako kapag masaya siya. Okay! Diyan tayo mag simula. Diyan tayo nag simula sa simpleng MASAYA TAYO KAPAG MAG KASAMA. Pareho tayong mag-isa at naghahanap ng makakasama. Pinagtagpo ng tadhana at ngayon ikakasal na. Wala naman tayong ginawa kung hindi maging totoo sa isa't isa, at i-enjoy lang ang bawat araw na magkasama. Mula ng magka-kilala tayo hindi na tayo nag hiwalay. Hindi mo kaya, at ako parang hindi ko narin kinakaya 😂 nakaka-miss na! Nakaka-miss ka na. Ang bilis, ang dami at ang simple ng nangyari sa buhay nateng dalawa. Siguro ganon nga talaga, kapag kasama mo na yung tama, yung totoo, at yung nilaan sayo ni Bathala. Maraming bagay tayong pagkakaiba, marami! Pero ang dali-dali noh? Ang dali-dali parin ng buhay ko sa piling mo dahil kahit yung ayaw mo ay ginugusto mo para sa akin, at madali mong sabihin yung “ayaw ko, kung ayaw mo” dahil ako ang priority at buhay mo. Ganon rin ako. Ganon tayong dalawa. Walang pressure basta enjoy lang at kampi tayo ha? Babe, Happy Anniversary. I love you! Ikaw at ako, forever! Masaya ako at kasama parin kita! ❤️ 📸: @silvermoon.ph

A post shared by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on