
Sina Klea Pineda, Paul Salas, at Anthony Rosaldo ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "Monaylisa and Me."
Dumalo sina Paul at Anthony sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong January 7 at bahagyang nakapagkuwento tungkol sa kanilang upcoming episode.
Source: paulandre.salas and theanthonyrosaldo IG
"Ako si Jolo dito, successful businessman siya. Kaya niyang bilhin lahat, kaya niyang kunin ang gusto niya, kaso nga medyo may pangit siyang ugali. Before, noong nasa high school sila, kababata niya 'yung character ni Anthony at si Monay na si Klea. Bully siya noon so medyo wala siyang friends talaga. Iniisip niya lagi siya lang. Kaya na niya mag-isa," paliwanag ni Paul tungkol sa kanyang karakter.
May malaking dagok namang haharapin ang kanyang karakter kaya't mahihikayat itong magbago.
"Noong time na nalaman na niyang may cancer siya, brain cancer, may taning na 'yung buhay niya kaya nag-iba na siya. Ngayon tina-try na niyang bumawi sa mga na-bully niya before," ani Paul.
Para kina Paul at Anthony, may mahalagang mensahe tungkol sa bullying ang kanilang episode.
"Bilog 'yung mundo. 'Yung mga tao sa buhay mo in the past, puwede mo pa rin silang ma-encounter in the future. Para sa akin, always leave kindness sa buhay ng mga tao kahit hindi mo na sila nakakasalamuha. You will never know eh kung magiging parte pa rin sila ng buhay mo," lahad ni Anthony.
"Hindi mo pa rin makukuha 'yung full happiness kung hindi mo mahal 'yung sarili mo. Isipin mo si Jolo, businessman, ma-pera, billionaire, pero hindi siya happy kaya bumawi siya sa mga taong nasaktan niya before. That means may mga importanteng bagay pa rin talaga kaysa sa pera," dagdag ni Paul.
Abangan sina Klea, Paul at Anthony sa "Monaylisa and Me" sa January 9, 4:35 pm sa Regal Studio Presents.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: