Article Inside Page
Showbiz News
May importanteng mensahe tungkol sa friendship na timely para sa pandemic ang 'Regal Studio Presents: The Truth About Jane.'
Horror man ang upcoming special na "The Truth About Jane," na mula sa Regal Studio Presents, may mahalagang mensahe naman ito tungkol sa friendship.
Akma daw para sa panahon ng pandemic ang mensahe ng episode ayon sa lead stars nitong sina Joyce Ching at Anna Vicente.
"This is a story about friendship. This is very timely for the pandemic. You always have to check on your friends. Huwag kang magbu-bully or kahit anong bad na gawin sa kaibigan kasi hindi mo nga alam what they are going through. It's very important to love and check on your friends always," pahayag ni Anna sa ginawang Kapuso Brigade Zoomusthan noong October 27.
Bukod dito, may mensahe rin tungkol sa bullying ang kanilang episode.
"Huwag mang-bully ng ibang tao kasi you'll never know kung anong pinagdadaanan noong specific person na 'yun. Hindi mo malalaman kung anong magiging effect noong pambu-bully na 'yun doon sa particular person na 'yun," lahad naman ni Joyce na gaganap bilang Jane.
Reminder din daw ang episode na hindi magandang magtanim ng sama ng loob at maghiganti.
"Revenge will get you nowhere. Kahit sabihin na nating nasaktan ka or kung ano man ang napa-feel sa 'yo ng ibang tao, hindi makakatulong 'yung seeking revenge," paliwanag ni Joyce.
Sa "The Truth About Jane," magkakaroon ng reunion ang tatlong childhood friends na sina Paula
(Kiray Celis), Marcia
(Ashley Ortega) at Iris
(Anna Vicente) na matagal nang hindi nagkikita.
Pero sa paglalagi nila sa ancestral house nina Marcia, makakaranas sila ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa katauhan ng white lady na si Jane
(Joyce Ching).
Samahan ang barkada nila sa Halloween special na
"The Truth About Jane" sa
Regal Studio Presents, October 31, 4:35 pm sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: