Showbiz News

James Reid at Issa Pressman naka-follow na ulit matapos mag-unfollow sa isa't-isa

By Kristian Eric Javier

Napansin ng mga netizen kamakailan na in-unfollow ng celebrity couple na sina James Reid at Issa Pressman ang isa't-isa sa Instagram. Base pa sa ilang mga screenshot ng mga netizen ay hindi na mahanap ang pangalan nila sa mga "following" ng isa't-isa.

Ilang netizens naman ang naglabas ng kanilang mga haka-haka na baka naghiwalay na ang dalawa, ngunit makikita pa rin sa kani-kanilang Instagram page ang pictures nilang magkasama.

Ngunit makalipas ang ilang oras nang madiskubre ng netizens ang "unfollowing" na naganap, makikita sa Instagram accounts ng dalawa na muli na nilang fina-follow ang isa't-isa. Tanong ng netizens, nagkatampuhan lang ba ang dalawa?

Unang kinumpirma nina James at Issa na meron silang relasyon noong March 2023. Samantala, huli naman silang nakita na magkasama noong October 31 noong dumalo sila sa Opulence Ball, isang annual Halloween event.

RELATED GALLERY: James Reid and Issa Pressman's couple photos

Sa interview nila sa PUSH, inamin ni Issa na obsessed sila ni James sa isa't-isa, samantalang sinabi naman ni James na they are living their “best lives” na magkasama.

Dagdag pa ni James, “It's honestly better than ever. Like, we've been through a lot this year. It really tested us and it made us even stronger, like, more than I could've imagined. I'm just happy with her.”

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang kapatid ni Issa at star ng Black Rider na si Yassi Pressman para sa kanila.

"I think nasabi na po nila lahat ng kailangan nilang sabihin. I'm just glad that she's even able to talk now so kung saan po siya masaya, dun po ako," sabi nito.