
Game na ikinuwento ni Dominic Roque sa isang event kamakailan na naghahanda na sila ngayon ng kanyang fiance na si Bea Alonzo para sa kanilang wedding.
Sa isang interview, sinabi ni Dominic na imbitado sa kanilang kasal ni Bea ang kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz gaya ng Kapuso actor na si Khalil Ramos, Marco Gumabao, at Patrick Sugui.
Kaugnay nito, hindi nakaligtas si Dominic sa tanong ng press kung magiging present din ba sa kanilang wedding ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na naging parte rin ng kanyang circle of friends.
Sa tanong na ito sandaling natahimik si Dominic, pero sagot niya, “Si Kath [Kathryn Bernardo].”
Paliwanag niya, “Kasi hindi naman kami… hindi pa naman kami okay ni DJ [Daniel Padilla]. I mean we're not talking since 2020.”
Dagdag pa ng actor-model, “We haven't seen each other for the longest time since 2020.”
BALIKAN ANG VIRAL WEDDING PROPOSAL NI DOMINIC KAY BEA RITO:
Sinigurado naman ni Dominic na ipapaalam nila ni Bea sa publiko ang ilan sa mga detalye sa kanilang kasal pero sa ngayon ay inaayos pa ang mga ito.
Noong 2019 nagsimulang ma-link sa isa't isa sina Dominic at Bea nang lumabas ang kanilang travel photos sa Japan. January 2021 naman nang maging official ang relasyon ng dalawa pero August 2021 na ito kinumpirma ni Bea sa isang panayam sa 24 Oras.
July 18, 2023 nang gulatin nina Dominic at Bea ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at fans nang ibalita nila na sila ay engaged na.
Samantala, matapos naman ang pinagbidahang serye kasama si Dennis Trillo na Love Before Sunrise, bibida muli si Bea sa isang bagong Kapuso series na Widow's War kung saan makakasama niya sina Carla Abellana at Gabbi Garcia.