GMA Logo dominque roque and bea alonzo
Courtesy: Dominic Roque (Facebook)
What's Hot

Dominic Roque's post about Bea Alonzo draws mixed reactions

By EJ Chua
Published February 8, 2024 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE
Malaysia to make F1 comeback in October as host of Bahrain GP
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail

Article Inside Page


Showbiz News

dominque roque and bea alonzo


Ilang netizens ang hindi napigilang maluha sa video na inupload ni Dominic Roque tungkol sa sweet moments nila ni Bea Alonzo.

Umaani ngayon ng iba't ibang reaksyon at komento ang pinakabagong post ni Dominic Roque sa Facebook.

Nito lamang umaga ng Huwebes, February 8, 2024, may paramdam si Dominic tungkol sa naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Isang video ang in-upload niya, kung saan mapapansin na inalala niya ang ilang sweet moments nila ng Kapuso at Widows' War actress.

Kakabit ng video ay ang caption ni Dominic na tila nagpapahiwatig na gusto niyang depensahan ang ilang mga negatibong isyu na ibinabato ngayon kay Bea.

Sulat niya, “Bea's a beautiful person inside n out… No hate/bashing/negative things please… [pray emoji].”

Sa comments section, mababasa ang samu't saring reaksyon ng kanilang fans at maraming netizens ang naturang post.

Marami ang labis na nalungkot sa paghihiwalay nila at ang ilan tila naiyak pa matapos panoorin ang video na inupload ni Dominic.

Ang ilang fans naman nina Dominic at Bea, hati ang reaksyon.

Ilan sa kanila ang nananatiling positibo at umaasang magiging maayos ang lahat sa pagitan ng kanilang mga iniidolo, habang ang ilan naman ay nirerespeto na lang ang sitwasyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 100,000 views ang naturang video.

Balikang ang sweetest photos nina Bea at Dominic dito:

Samantala, matatandaan na July 2023, naganap ang surprise marriage proposal ni Dominic para kay Bea.