
“Maybe next year, I'm gonna go out and meet people.”
Iyan ang naging pahayag ng Pulang Araw star na si Ashley Ortega tungkol sa pagkakaroon ng love life. Aniya, pinagdarasal naman niya ito ngunit sa ngayon, mas gusto muna ng aktres na mag-focus sa kaniyang sarili.
Sa panayam nila ng co-star na si Rochelle Pangilinan sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 2, tinanong ni Boy Abunda kung ano ang maipapayo ng dancer-actress kay Ashley sa larangan ng pag-ibig.
Sagot ni Rochelle, “Pumili ka ng lalaking ino-honor niya si God.”
Sang-ayon naman si Ashley sa natanggap niyang payo at inaming mahalaga rin ito sa kaniya. Katunayan, sabi ng aktres ay malakas din ang kaniyang pananampalataya sa Diyos.
“I pray everyday, pero not saying na sobrang religious ako, pero I believe in God and may takot talaga ako sa Diyos,” sabi niya.
Nang tanungin naman siya kung nag-hihintay o naghahanap siya ng pag-ibig, ang sagot ni Ashley, “Oh, Tito Boy, I don't go out looking for love. I believe that love will always find me.”
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAKAHANAP NG PAG-IBIG SA LABAS NG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:
Aminado naman si Ashley na hindi niya alam sa ngayon kung nasaan ang pag-ibig niya pero paglilinaw ng aktres, masaya siya ngayon at nagfo-focus muna sa sarili.
“Aminado naman ako that I don't go out to meet guys, kaya rin siguro single ako ngayon, kasi I have so much on my plate, focus ko sarili ko, my priorities,” sabi ng aktres.
Dagdag pa ni Ashley, kahit pa marami na siyang pinagdaanan na heartaches, hindi ibig sabihin ay magiging cold-hearted na rin siya.
Aniya, “I'll still remain as a sweet lover girl and whoever is my next guy is will be the luckiest guy because you will get the best version of myself.”
Mensahe naman ni Ashley sa kaniyang future love, “Pero hindi ko pa alam kung sino so yes, I'm taking care of myself right now and I'll see you soon.”