Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, magpapakasal na sa edad na 28?

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni phenomenal star Maine Mendoza na ang ideal marrying age ay 28 taong gulang.

Sinabi ito ng 24-year-old Daddy's Gurl star sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, na pinagbibidahan niya at ng veteran comedian na si Vic Sotto.

“Mahirap kasi. Kaming magkakapatid sunud-sunod e. So, after ng sister ko, 'yung Kuya ko muna, tapos 'yung isa ko pa ulit Ate, so ako,” sagot ni Maine nang tanungin tungkol sa ideal marrying age niya.

Dagdag pa niya, “Feeling ko mga 28. Dalawa pa ang kailangan ikasal, so tama lang ang age ko na 28.”

Karelasyon ngayon ni Maine ang 29 na taong gulang na aktor na si Arjo Atayde.

Maine Mendoza openly talks about relationship with Arjo Atayde

Maine Mendoza admits to dating Arjo Atayde

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras dito: