Showbiz News

WATCH: Jak Roberto, tutol ba sa tambalang Barbie Forteza-Dennis Trillo sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

By Felix Ilaya

Dream come true para sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang makatrabaho ang ultimate showbiz crush niya na si Dennis Trillo.

Magkatambal ngayon sina Barbie at Dennis sa weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

First team-up nina Barbie Forteza at Dennis Trillo, panalo sa ratings!

Sa isang blogger's conference, kinuwento ni Barbie ang naging experience niyang makatrabaho si Dennis para sa isang project.

Aniya, "Sobrang nakaka-starstruck, nakaka-overwhelm, and nakaka-pressure na, 'O, kailangan, hindi ka magkamali, Barbie Forteza, matagal mong hinintay 'to!'

"Halu-halo 'yung emotion, plus factor na kakaiba 'yung story na ginagawa namin sa Daig.

"Siyempre, alam naman natin na kapag Daig Kayo Ng Lola Ko ang show, may touch of fantasy, mayroong fiction so werewolf, ganoon, so siyempre, topless!

"'Yung location namin, ang lamig lamig pero butil-butil 'yung pawis ko!"

Gayunpaman, mas lalo raw humanga si Barbie kay Dennis nang makita niya kung gaano ito ka-professional at ka-gentleman sa set.

READ: Barbie Forteza, proud to be named as the Kapuso Primetime Princess

Tinanong rin ng bloggers si Barbie kung ano ang naging reaction ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto nang malaman nito na makakatrabaho niya si Dennis.

Kuwento ni Barbie na 'nung una raw ay kinabahan siyang sabihin ito kay Jak.

"Dinahan-dahan ko pa, sabi ko, 'Mahal, 'wag kang magagalit ha? Mayroon kasi kaming Daig ni Dennis.' Sabi niya, 'O, e, ano naman?'

"'Iyon na 'yon? Hindi ka man lang nag-selos? Parang wala namang chance, parang na-offend naman ako?'

"Nagpaalam pa ako, kinabahan pa ako kung paano ko sasabihin sa'yo wala lang pala.

"Sobrang understanding, sobrang luwag niya pagdating sa mga ganyang bagay, walang selos factor.

"Hindi ko nga alam, hindi ba ako kagustu-gusto para maging confident ka ng ganyan," ani Barbie.

Panoorin ang interview ni Barbie kasama ang mga bloggers sa Kapuso Showbiz News video below: