Showbiz News

Aiai Delas Alas, rumesbak sa basher, 'Ang inggit nakamamatay yan.'

By Dianara Alegre

Hindi napigilan ni Comedy Queen Aiai Delas Alas na sumagot sa basher na pumuna sa pagpo-post niya sa sweet note ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Ibinahagi ng aktres ang nilalaman ng note sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, January 26.

Nakasaad dito, “Ito na po ang breakfast mo darling. I love you so much. Good husband, Darl.”


Sa kabila ng malambing na mensahe, may ilan pa ring pumuna kay Aiai dahil sa ginawa nitong pagpo-post.

Sabi sa isang comment, “Why need to post this? You could try to leave something private in your lives to yourselves.”

Hindi ito nagustuhan ni Aiai kaya binuweltahan niya ang Instagram user na si brie5858.

Sagot ng komedyante, “Ang inggit nakamamatay yan magbago ka na! Ig ko to at kahit anong i-post ko wala KANG PAKIALAM.

“Maglagay ka muna ng picture at magtrabaho ka para makatulong ka sa bayan hindi yung bash ka ng bash! Kaya hindi ka umuulad kasi yan ang gawain mo.”

Sinegundahan naman siya ng kanyang fans at ipinagtanggol sa naturang basher.

Sumagot na rin sa thread si Gerald at sinabihan ang basher, “@brie5858 wag maiinggit okay.”

Sinundan ito ng comment pa ni Aiai.

“@brie5858 hindi ok!!!!! Magtrabaho ka!!!!! Para makatulong ka sa pamilya mo!!!!!!!!,” galit na sabi pa ng aktres.

Makikita pang komento ni Aiai, “Agaga tarantado kasi yang mga basher na yan.

“Madami ng sinirang buhay yan mga yan dapat yan pinakapakain sa lava tutal wala namang maganda kontribusyon sa lipunan kundi manira ng kapwa.”

Ikinasal sina Aiai at Gerald noong December 2017 matapos ang kanilang tatlong taong relasyon.

Sa edad na 55, kamakailan ay isinapubliko ni Aiai ang plano nilang mag-asawa na magkaroon ng anak ngayong taon.

READ: Aiai Delas Alas postpones baby plan: "Pansamantala lang'