Showbiz News

Chito Miranda at Neri Naig, pinag-usapan ang financial strategy bilang mag-asawa

By Maine Aquino

Sa YouTube channel ni Neri Naig ay pinag-usapan nila ni Chito Miranda kung paano nila hina-handle ang kanilang mga pera bilang mag-asawa.

Inamin ni Chito na kanilang pinag-usapan ang set-up na nag-work sa kanila bilang mag-asawa.

Dagdag pa na ang usapang pera ay isang sensitive na topic sa kahit anong sitwasyon.

"Ito yung nagwo-work sa amin. Sensitive issue talaga 'yan. Madalas pag-awayan."

Kuwento ni Chito na sa panahon ngayon, lahat ay halos career oriented hindi tulad dati na ang lalaki lamang ang nagtatrabaho.

"Ngayon, everybody is career oriented because everybody needs to earn...Hindi dahil nagtatrabaho na ang babae is against tradition."

Importante rin umano sa Parokya ni Edgar frontman na walang ego dapat sa usapin ng pera ng mag-asawa. Inamin ni Chito na mas malaki na ang income ni Neri.

"Walang ego. Napakalaking bagay ng ego na 'yan. Ego natin is confidence lang, e. Pero 'yung ego na mas malaki... pero totoo mas malaki na po siya kumita sa akin ngayon. Hindi ako naba-bother.

"Actually, natutuwa ako kasi proud ako na kumikita siya."

"I won't take credit for what she did sa sarili niya because whatever it is na ginawa niya sa pagiging successful niya na businesswoman is she did on her own. But ako yung nag-guide in a way."

Kuwento naman ni Neri, mahusay sa pag-manage ng pera si Chito.

"Mas magaling kasi si Chito maghawak ng pera sa akin. Si Chito ang nagturo sa akin kung paano, mag-ipon, mag-handle ng pera, makapag-invest, at ngayon I'm a good student."

"Nung naging kami ni Chito, nakikita ko siya paano mag-handle ng money. hindi lang halata pero napakagaling niya maghawak ng pera."

Dagdag pa niya, "Nabibili niya 'yung gusto niya, hindi niya tinitipid sarili niya. At the same time, nakaka-invest siya ng businesses."

Dahil dito, nagbigay ng payo si Chito para sa mga couples na nais matuto sa paghahawak ng pera.

"Live below your means... Huwag ka na magluho."

Panoorin ang kanilang vlog:


Chito Miranda shares realization about Neri Naig's situation as a stay-at-home mom

Payo ni Neri Naig ngayong ECQ: "Maraming pwedeng gawin sa bahay"