Showbiz News

Derek Ramsay, binisita sa bahay si Andrea Torres

Nagkita na ulit ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Andrea Torres!

Makikita ang matatamis na ngiti at mahigpit na yakap nina Derek at Andrea nang bumisita ang aktor sa aktres kahapon, May 31. Ito ang kanilang unang pagkikita simula nang enhanced community quarantine.

“My little piece of heaven,” paglarawan ni Andrea.


Na-miss daw nila ang isa't isa kaya laking tuwa ng aktres nang puntahan siya ng kanyang nobyo.

Nagkakilala at naging malapit sa isa't isa sina Derek at Andrea nang magtambal ang dalawa sa The Better Woman. Inamin nila ang kanilang relasyon sa pagtatapos ng kanilang pinagsamahang programa.

Timeline of Derek Ramsay-Andrea Torres relationship

Andrea Torres gets emotional over Derek Ramsay's birthday surprise for her