TV

EXCLUSIVE: Andrea Torres, flattered sa pagtatanggol ni 'The Better Woman' leading man Derek Ramsay

By Marah Ruiz

Ilang beses na ring ipinagtanggol ni most daring Kapuso leading man Derek Ramsay ang kanyang The Better Woman leading lady na si Andrea Torres sa mga bashers.

Andrea Torres & Derek Ramsay


Kamakailan, nilinaw din niyang walang kinalaman si Andrea sa hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Joanne Villablanca.

READ: Derek Ramsay defends Andrea Torres from malicious accusation

Natutuwa naman si Andrea sa madalas na pagtatanggol sa kanya ni Derek.

"I heard! Nakaka-flatter, siyempre, para mag-initiate siya ng ganoon. Parang pagiging gentleman din. Makikita mo na sincere siya sa pagkakaibigan niyo kasi ayaw niyang nababastos ka," pahayag ni Andrea sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dahil sexy ang tema ng kanilang serye, naiintindihan daw ni Andrea na hindi maiiwasan na magkaroon ng iba't ibang assumptions ang mga tao tungkol sa kanya. Gayunpaman, nananatili daw siyang positibo kahit may mga chismis na ibinabato sa kanya.

"Siguro ang magandang way na tignan siya is nagagawa pa rin namin nang maayos 'yung mga characters namin," matipid niyang sagot.

Paiinitin nina Andrea at Derek ang mga mauulang gabi sa nalalapit na premiere ng The Better Woman. Tutukan ito simula July 1, pagkatapos ng Sahaya, sa GMA Telebabad.